Skip to main content

Globalisasyon Grade 10

"Ang Kahalagahan ng Globalisasyon"

Bago ako magsimula ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang Globalisasyon?

Ang globalisasyon ay isang pandaigdigang sistema na naglalarawan ng nagbubuklod-buklod sa mga tao, kompanya at mga bansa. Ang globalisasyon ay tumutukoy sa paraang pagdaloy ng mga impormasyon, produkto, serbisyo, kapital atbp.
Ang globalisasyon ay maaari ring tumukoy sa mga aspekto ng ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, pulitika, at kalinangan o kultura.

Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nagkaroon ng globalisasyon? Ang mga ito ay:

  • Cultural Integration-  dahil ang mga tao ay patuloy sa paggawa ng komunikasyon sa iba't-ibang lugar sa ating mundo ay nag kakaroon ng pagtanggap sa kultur ng ibang tao o lahi, na magiging bahagi ng kanilang pamumuhay.
  • Economic Network- dahil sa pagkakaroon natin ng koneksyon sa iba't-ibang tao na may iba't-ibang kultura ay hindi natin maiiwasan na makipagkalakal sa kanila, dahil dito ay nagkakaroon tayo na pakikipagpalitan ng ating mga produkto at serbisyo ayon sa hinihingi ng bawat isa.
  • Technological Advancements- dahil sa patuloy na pag unlad ng mga kagamitan at teknolohiya natin ay mas lalong napapabilis ang pakikipagpalitan ng mga bagay-bagay lalo na ating pakikipag-komunikasyon.
  • Global Power Emergence-  sa ating pagkakaroon ng ugnayan sa iba't-ibang kultura at bansa, ay nagkakaroon tayo ng mga bagay na ating tinatawag na "power allegiance" at "power resistance" sa power allegiance nagkakaroon ng pagkakasunduan ang mga bansa para sa pagkakaroon ng global power ng ibang bansa, at dahil rin dito ay nagkakaroon ng power resistance gawa ng mga namumuobg tensiyon sa pagitan ng mga bansa na may kapangrahihan sa politikal na maaring makaimpluwensiya sa pampolitikal na kalagayan ng mga bansa.
Ano-ano naman ang mga dulot ng globalisasyon?

Mga mabuting dulot:

      • Sa pamamagitan ng globalisasyon ay nagkakaroon ng pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan pang environmental ng mundo.

      • Dahil sa globalisasyon ay maraming trabaho at opurtunidad ang nalilikha na magiging dahil sa pagunlad ng ekonomiya ng mga bansa sa iba't-ibang panigng mundo.

       • May mabilis na paglago sa teknolohiya na malaki ang maitutulong sa pagunlad ng lipunan sa iba't-ibang bansa.

Pero hindi natin maiiwasan na magkaroon ng hindi mabuting dulot ang globalisasyon ang mga ito ay:

        • Dahil sa malawak na sakop ng kalakalan ay nagkakaroon ng problema ang ekonomiya sa iba't-ibang bansa lalo na ang mga nasa mahirap na bansa.
        
        • At dahil din sa pagkakaroon ng problema sa ekonomiya ay nag kakaroon ng malaking agwat ang ekonomiya ng iba't-ibang bansa.
 
        • Dahil din sa agwat na nabanggit ay nagkakaroon ng agwat ang pamumuhay ng mga tao, sa pagitan ng mahihirap at mayaman.




Comments